Dr. Roland Tolentino’s speech during the 4th Pandayang Lino Brocka’s awarding ceremonies

Mga mag-aaral, ko-fakulti, staff, filmmakers, mga kaibigan at bisita,

Apat na taon na ang Pandayang Lino Brocka, at malaki na ang ikinaunlad ng film festival na ito.  Natatangi pa rin ang Pandayang Brocka dahil ito lamang ang showcase at may diin sa politikal na uri ng filmmaking, at pagtalakay ng mga isyu hinggil dito.  Sa katunayan, nakakapasok na sa kamalayan ng publiko na ang pagkaunlad ng tinatawag na pangatlong golden age sa Philippine cinema, ang pamamayagpag ng digital indie cinema, ay mayroong politikal ring pinag-uugatan.  Salamat ito sa Pandayang Brocka.

Sa katunayan ulit, ang isa sa tinitingalang inspirasyon sa narrative feature film, maging sa conceptual filmmaking, sa indie cinema ay walang dili’t iba kundi ang taong pinapangaralan ng festival na ito, mismong si Lino Brocka.  Mataas ang turing kay Brocka, pambansang alagad ng sining para sa pelikula, bilang inspirasyon nina Lav Diaz, Brillante Mendoza, Khavn De La Cruz, Raya Martin at Adolfo Alix, Jr.  Si Brocka ang pangunahing figura ng direktor na patuloy na gumigiya sa kalidad ng filmmaking sa kasalukuyan, kasama ang pamumulaklak nito sa indie cinema:  na ang pelikula ay narito para sa manonood para magbigay ng mensaheng politikal—na hindi lubos ang kondisyon ng pamumuhay ng mamamayan, na may kinakailangang gawin ang mamamayan para makamit ang kanyang paglaya, na ang paglaya ng mga individual ay may kinalaman sa pagpapalaya ng lipunan at bansa.

Mapalad ang at ikinararangal ng Cine Adarna ng UP Film Institute at ang Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon sa partnership na ito sa Pandayang Brocka, sana ay patuloy ang pag-unlad ng festival na ito, marami pa ang mamulat dahil dumarami na ang nagpapamulat.  Nais kong wakasan ang maikling pagbati na ito sa diwa ni Brocka ukol sa historikal at panlipunang tungkulin ng filmmaker at ng kanyang camera:

In these times when most of the media hide the truth from us, when most of what we get from the media are silly gossip and petty flesh and sensationalized crimes, we go to the streets to find out what’s happening. We listen to those artists who dare risk their lives and livelihoods, who reiterate once more the utmost duty of the artist — that the artist is a committed person, that he will always take the side of any human being who is violated, abused, oppressed, dehumanized whatever his instrument — the pen, the brush, or the camera.

Isang maningning na hapon sa ating lahat.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s